Monday, December 12, 2011

12-13-11 Voice 001

ANG LUMAKAD NG MATULIN, MATINIK MALALIM. ANG LUMAKAD NG MARAHAN, MATINIK MABABAW.

Sunday, December 11, 2011

Christmas Kills



2011-12-11 15:00

Ito ang ikatlong araw mula nang ika'y umalis
Taglay mong kalayaan kinuhang kaybilis
Hatid sa iyo'y kapanabikan sa mundong di pa nasilayan
Hatid sa ami'y kalungkutan nitong iyong paglisan.

Bakit tila bigla kang nagbago?
Bakit ang lahat ay pinagpalit mo?
Bakit yaring panandaliang kaligayahan
Ang pinili kaysa iyong kinabukasan?

Ngayong darating na kapaskuhan
Ang aming prinsesa, o nasaan?
Puso namin anong kay panglaw
Kaysakit tanggapin, sa kaligayahan ay uhaw.

Sa iyong pag-alis, mundo'y tumigil sa pag-ikot
Pait ng luha, dulot sa ami'y matinding takot
Tanging hiling, ika'y Kanyang gabayan
Tanging hiling, iyong kaligtasan.

Wala nang papalit sa sayang dulot ng iyong ngiti
Kahit anong regalo wala ni isang makahihigit
Makita kang maligaya, o anong tuwa!
Ngunit pumanaw ang Pasko ngayong ika'y wala.

Aking inakala, Pasko'y nagbibigay saya
Subalit ako pala'y nagkamali, ngayon alam ko na
Isang matalim na sandata, itinarak sa aming puso
Pinatay mo, o Pasko! Buhay nami'y tuluyan nang huminto.